9
maduro

Maduro, wagi ng ika-2 termino bilang Venezuelan prexy

Sharing is caring!

Pinagpag ni Venezuelan president Nicolás Maduro ang alegasyon ng vote buying at electoral fraud sa pananalo ng panibagong anim na taon na termino sa nabanggit na bansa.

Ipinagmalaki ni Maduro sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa labas ng presidential palace sa Caracas ang “impeccable electoral process” na nagpanatili sa kanya sa kapangyarihan sa nakuhang 67.7% na boto.

“This was a historic day! The day of a heroic victory! The day of a beautiful victory – of a truly popular victory,” sigaw ni Maduro.

“The whole of Venezuela has triumphed! Democracy has triumphed! Peace has triumphed! Constitutionality has triumphed [These were] elections that were constitutional, legitimate and legal,” dagdag pa nito.

Bumaba sa 46.1%, ang vote turnout ng eleksiyon mula sa 80% na nagrehistro noong 2013 presidential elections dahil sa pagboykot ng oposisyon dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?