6

Madonna magdidirek ng pelikula tungkol sa ballerina

Sharing is caring!

Inanunsiyo ni pop superstar Madonna nitong Martes na magdidirek siya ng isang biopic tungkol kay Michaela DePrince, na naulila dahil sa giyera mula sa Sierra Leone, nalagpasan ang lahat ng pagsubok at naging matagumpay na ballerina.

Ikatlong pagkakataon na ito ng musical icon na maging feature film director matapos niyang gawin ang “Filth and Wisdom” noong 2008 at “W.E.” noong 2011.

May pamagat na “Taking Flight”, na mula sa autobiography ni DePrince noong 2014, iiwan niya ang kanyang tiyuhin sa kasagsagan ng civil war ngunit pinabayaan siya sa isang bahay-ampunan dahil nagkasakit siya ng vitiligo, isang skin disorder.

Matapos ampunin ng Amerikanong pamilya, bumangon siya para maging ballerina sa United States, South Africa at The Netherlands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?