1,554

By

Mader Sitang P31M ang demand! Persona non grata sa ‘Pinas tinapat ng manager

Sharing is caring!

Niyurakan ang magandang imahe ng Thai sensation na si Mader Sitang matapos umuwing ‘luhaan’ ng kanyang international manager na si Wilbert Tolentino.

Sa artikulo ng Pep.ph isinaad na dumating si Tolentino sa Thailand para mapapirma ng kontrata si Sitang.

Ngunit nagulantang ang manager ng biglang presyuhan siya ng transgender ng 19.5M baht, o katumbas ng P31.3M, dagdag pa ang 10M baht, o P16M para sa ibang pangagailangan..

Dahil dito, sugod agad si Wilbert sa consul ng ‘Pinas sa Thailand para hainan ng persona non grata si Sitang sa bansa, o bawalan na ito na pumasok sa Pilipinas.

Si Wilbert ang naging manager ng abogado ring si Sitang ng ito’y bumisita rito sa bansa.

Matatandaan pang sinabi ng trans na gusto niyang magretiro sa bansa, ngunit mukhang kailangan niya munang harapin ang isyung ito bago tanggapin ng buong-buo ng mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?