14
maddie-poppe

Maddie Poppe, wagi sa ‘American Idol’ Season 16

Sharing is caring!

Kinoronahan ngayong Lunes ng gabi si Maddie Poppe bilang American Idol.

Siya ang napili ng star judges na sina Katy Perry, Lionel Richie at Luke Bryan na nagwagi sa Season 16 ng reality singing competition.

Taga-Clarksville, Iowa, ang 20-anyos na singer-songwriter.

Paborito na siya ng fans simula pa lang ng season dahil sa kahanga-hanga niyang renditions ng classic songs ng The Beach Boys, Sinead O’Connor at ng The Bangles.

Tinalo niya sa kompetisyon sina Caleb Lee Hutchinson at Gabby Barrett.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?