8
maddie-poppe1
By

Maddie Poppe bagong American Idol

Sharing is caring!

Hinirang na bagong American Idol ang 20 years old na si Maddie Poppe na taga-Clarksville, Iowa. Tinalo ni Maddie ang nakasama niya sa Final 3 na sina Caleb Lee Hutchinson and Gabby Barrett.

Lumaki si Maddie sa isang neighborhood sa Clarksville na ang population ay 2,000 people lamang. Kilala niya ang lahat ng kapitbahay nila at nakilala siya sa pag-volunteer tuwing may kung anong festivities sa kanilang town.

Sa kanyang school sa University of Northern Iowa kunsaan nasa junior year pa lang si Maddie, isa siya sa mga popular student dahil sa hilig nitong mag-perform.

Kaya hindi na nagtaka ang mga classmates ni Maddie nang makapasa siya sa audition ng American Idol nang awitin niya ang acoutic version ng Rainbow Connection.

“We always knew she was going to be famous. We just didn’t know it was going to be this soon,” sey ng isang classmate ni Maddie.

Hinuhulaan na magiging next Carrie Underwood si Maddie dahil sa kanyang talent at confidence sa pag-awit.

“Maddie’s voice is even more hypnotic in person. Every week, Maddie is gaining some confidence in her own ability,” sey mismo ni Underwood noong maging mentor siya sa AI.

Magaling din si Maddie sa pagtugtog ng iba’t ibang musical instruments mula sa guitar, piano at ukulele.

Ilan sa naging winning performances ni Maddie sa AI ay ang kanyang rendition of Simon & Garfunkel’s ‘Homeward Bound’ and ‘God Only Knows’ by the Beach Boys. Nabigyan din niya ng sarili niyang tunog ang Disney song na ‘Bare Necessities’.

Sa finals, ang inawit niya ang ‘Landslide’ by Fleetwood Mac at ang original song na ‘Don’t Ever Let Your Children Grow Up.’ Ang kanyang winning circle song ay ‘Going, Going, Gone’.

Bilang winner ng American Idol, makakatanggap si Maddie ng recording contract with Hollywood Records.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?