74

By

Madayag, Tolentino tatapatan ni Agudo

Mga laro Miyekoles/April 3

(FilOil Flying V Centre)

2:00pm – UP vs UE

4:00pm – FEU vs Ateneo

Kakapit sa unahan ang Ateneo de Manila sa pakikipagtipan nito sa delikadong Far Eastern University sa pagbabalik-aksiyon ng second round ng UAAP Season 81 women’s volleyball action sa FilOil Flying V Centre sa Abril 3.

Itataya ng Lady Eagles ang nangungunang 8-1 kartada sa kasalukuyang third running Lady Tamaraws 6-3 sa kanilang 4:00pm encounter, pagkatapos ng salpukan sa unang game sa pagitan ng University of the Philippines (5-4) at University of the East (2-7) sa alas-2.

Galing ang FEU sa 25-15, 16-25, 12-25, 25-22, 17-15 pagdemolis kontra Lady Warriors nito Sabado, samantalang giniba ng Ateneo ang UP Lady Maroons sa ‘Battle of Katipunan’ 25-23, 25-16, 25-23.

Aasa muli ang Lady Eagles sa angas nina skipper Kat Tolentino at middle blocker Maddie Madayag katapat ang opposite spiker ng FEU na si Ivana Agudo, na pinupunan ang kawalan ng na-injured na si super rookie Lycha Ebon.

Kumubra sina Tolentino at Madayag ng 15 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod sa kanilang huling laban, habang may 12 points naman si Agudo kontra UE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?