161

By ,

Madayag, Tolentino kinapitan ng Ateneo

Bumalikwas ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa opening game defeat sa La Salle Lady Spikers nang kubrahin ang 25-21, 25-18, 16-25, 25-22 win kontra University of Sto. Tomas Golden Tigresses Miyerkoles sa unang laban ng UAAP Season 81 women’s volleyball sa The Arena sa San Juan City.

“First of all, siyempre thank you kay Lord kasi binigay niya ‘yung first win ko dito sa UAAP women’s. I thank na Lord for the strenght and the wisdom and of course ‘yung mga players ko rin ‘yung resiliency nila after a loss, hindi ako nahirapan to recover kasi sila mismo, they believe they will win today,” sabi ni Ateneo coach Oliver Alamadro.

Naging dominanante ang mga bata ni Almadro sa unang dalawang sets pero gumanti ang Tigresses sa third.

Ang five straight aces ni Alina Bicar ang nagpaiba sa takbo ng third set at agarang tinambak ng España based-squad ang Lady Eagles nang ipito nito ang 8-2 na technical timeout at dito ay tuluyang nanakmal ang Tigresses sa tulong ni Sisi Rondina at Eya Laure hanggang masungkit ang set.

“We’re very happy na nakabawi rin kami and that we showed somewhat how we play. Siguro ayun nga nakikita namin na marami pa kaming pagkukulang sa loob ng court and that should be need work on,” wika ni Maddie Madayag na pumalo ng 15 puntos sa likod ng siyam na attacks at apat na blocks.

Bukod kay Madayag, bumandera rin para sa Lady Eagles si Kat Tolentino na may 22 puntos at anim na puntos naman kay Bea De Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?