430
Madayag, Ateneo idedemolis ang UST
May 10, 2019 @ 16:59
By

Madayag, Ateneo idedemolis ang UST

Sasandal sa puso at determinasyon si veteran middle blocker Maddie Madayag at ang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles sa Game 1 ng best-of-three finals series ng UAAP Season 81 women’s volleyball kontra sa University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses Sabado alas-4 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Mainit pa ang panalo ng Katipunan-based squad laban sa FEU Lady Tamaraws sa knockout semifinals nitong Miyerkoles.

Matatandaan din na winalis ng Ateneo ang Uste sa eliminations kung saan ay umukit ng record breaking 11 blocks si Madayag.

Pero para sa graduating blocker, alam nitong hindi basta magpapasindak ang Golden Tigresses.

“Ibang usapan naman ang finals sa elimination round, for sure both teams will give everything they got,” sabi ni Madayag. “It all boils down to character.”

Ipinunto naman ni head coach Oliver Almadro ang umano’y bentahe ng UST.

“Well alam naman natin sa umpisa pa lang, talagang firepower ang UST, and they are well-rested, so ’yun ang advantage,” pahayag nito.

Muling magsasanib-pwersa ang Lady Eagles sa tulong ni spikers Kat Tolentino, Ponggay Gaston, Jules Samonte, middle blocker Bea de Leon, setter Deanna Wong at libero Dani Ravena para masungkit ang unang panalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?