54

Oct 3, 2021 @ 11:28

Madam Inutz, Wilbert bet tikman si Ian

Certified na recording artist si Madam Inutz sa kanyang debut single na ‘Inutil’
Ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang personal na nag-asikaso sa music video nito at concept ng ‘Inutil’.
“Yes po, actually ako po ang nag-prepare ng lahat ng productions po. Naghanap ako ng team ng lahat nang nakatrabaho ko na, mula sa director, sa prod, sa stylist, make-up artist, hairstylist, lahat po. Mula sa music na ang nag-compose ay si Ryan Soto na matagal ko nang ka-tandem sa entertainment industry.
“Talagang pinaghandaan po namin ang music video dahil debut single niya ito at kailangang tumatak talaga sa masa,” deklara ni Kuya Wil sa panayam ng Tonite L na L ng Abante Tonite Facebook Page.
Kailan niya nalaman na marunong palang kumanta si Madam Inutz? “Actually, bago siya nagpa-handle sa akin bilang talent manager niya, tinanong ko muna kung ano ang pinaka-talent niya, doon lang ako humnugot para i-groom si Madam Inutz. Deserve niyang tulungan, hindi lang siya nabigyan ng break,
“Matagal na siyang hindi kumakanta at need niya na ibalik iyon, kasi noong narinig ko ang boses niya noong kabataan niya, sobrang ganda.”
Nagpapasalamat din si Sir Wil na sobrang happy siya sa magandang pagtanggap sa ‘Inutil’.
“Sobrang priceless ang pagtanggap ng publiko sa single ni Madam Inutz, bukod sa puro positive ang feedback, malapit nang ma-reach ang 1 million views for one week, not bad as a starter.
“Kaya na-motivate kaming gumawa ng Christmas song naman niya. ‘Sangkap ng Pasko’ ang title. Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy.Sobrang makaka-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya.”
Ano ang mortal sin na magagalit siya kapag nagawa ni Madam Inutz sa kanya?
“Actually, napag-usapan na naman namin iyan, sabi ko, ‘ Pag-awayan na natin ang lahat or mag-clash na tayo ng idea, huwag lang nating pag-awayan ang lalaki at pera.’ Kapag inagawan niya ako ng booking, charot! Hahahaha,” may halong pagbibiro ni Wilbert.
Zero ang lovelife ni Madam Inutz ngayon pero nang-echos siyang keri naman ang tumikim.
Sinong aktor ang bet niyang tikman kung sakali? “Iyong yummy talaga? Siyempre si Ian Veneracion, hahahaha!”
Inaangkin naman ni Sir Wil na kanya si Ian.Paano na?
“Ay sorry! Kay Sir Wilbert nga pala iyon, hahaha! Kasi si Ian, guwapo pa rin siya, matipuno pa rin… doon mo talaga makikita ‘yong tunay na sarap! Hahaha! Pero sige, magpapaubaya na ako, hahaha,” lahad naman ni Madam Inutz na tumatawa.
Anyway, mapapakinggan ang kantang “Inutil” sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.

Para sa Inquiries & Product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?