100

Nov 17, 2021 @ 17:42
By

Madam Inutz kay Chie Filomeno: Walang ambag, puro paganda lang

Maraming netizen sa social media ang sumang-ayon sa pahayag ni Daisy Lopez o mas kilala bilang “Madam Inutz” na wala raw ambag si Chie Filomeno.

Sa pinakabagong episode ng Pinoy Big Brother, binoto sa nominasyon para sa mga mapapaalis sa bahay ni “Kuya” si Chie Filomenon dahil wala raw itong umanong ambag sa loob ng bahay.

Isa sa mga bumoto ay si Madam Inutz, sinabi nito na gusto niyang maalis si Chie sa reality show.

“Wala naman siyang mai-ambag sa bahay kundi pagpapaganda,” saad ni Madam Inutz.

Maraming netizen ang sumang-ayon sa kaniya. Mula noon ay nakatanggap na si Chie ng mga negatibong komento sa kanyang mga social media account.

Dinepensahan naman ito ng kapatid ng aktres na si Rio, sinabi nito na hindi makatarungan ang mga pangba-bash ng mga tao sa kapatid.

“My sister does not deserve the shallow hate that she’s receiving right now. She’s a very genuine and hardworking person,” pahayag ni Rio.

Dagdag pa riyan, siniwalat din nito na matagal ng nakakatanggap ng panglalait ang kapatid lalo na sa kapwa babae nito.

“My sister is still facing cyber bullying, body shaming and misogyny from nasty people in all different social media platforms with them not knowing who she really is.”

“Ang masama din dito, kapwa babae pa nagbo-body shame and nag-spread ng misogyny about her,” saad nito

Si Chie ay bahagi ng ikatlong batch ng mga housemate na nominado para sa eviction sa loob ng PBB house.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?