135

Oct 30, 2020 @ 14:35
By

Madam Auring pumanaw na

Yumao na ang kilalang fortune teller at aktres na si Madam Auring.

Nitong Biyernes, kinumpirma ng apo niyang si Daryl Simon Pecson ang pagpanaw ng kanyang lola Aurea Erfelo sa edad na 80.

“#RestInPeace my Lola. Few days ago binisita kita, magkausap lang tayo, dinalhan kita ng mga pasalubong at mga pangangailangan mo, lubos ka nagalak,” sabi ni Daryl sa Facebook post.

“Grabe ang pinag daanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family. I feel sad and happy. Sad kasi I will never see you again, mga wisdom words mo, korni jokes, happy bondings, and pagkurot sa aking pisngi hanggang mamula,” dagdag niya.

Nagluksa rin ang isa pang apo ni Madam Auring na si Mike Pecson.

“Our Family chain is broken and nothing seems the same, but as God calls us one by one the chain will link again. There are no goodbyes for us lola. Wherever you are, you will always be in my heart. Ibati mo nalang kami kay mama pag nakita mo sya,” saad ni Mike.

https://www.facebook.com/nightshifter45/posts/3403485509759633

Hindi pa inaanunsyo ng pamilya ang dahilan ng pagkamatay ni Madam Auring.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?