12

Nov 9, 2020 @ 13:08
By

Madali mandaya! Sotto kontra mail-in voting sa halalan 2022

Hindi pabor si Senate President Vicente Sotto III na magkaroon ng mail-in ballot sa eleksiyon sa Pilipinas pagsapit ng taong 2022.

“I’m not in favor. It’s the easiest system of voting to cheat,” pahayag ni Sotto nang tanuning kung maaring gayahin ang naturang sistema tulad ng ginawa sa eleksiyon sa US.

“Sino tatanggap? Nationwide? Saan padadala, post office? Kailan bibilangin? Sino bibilang? Paano kung may mag-leak ng results whether true or fake? Any of those procedures can be cheated!”dagdag nito.

Sa US, ang mga botante ay maaring ipadala ang kanilang balota sa pamamagitan ng mail na ipapadala bago ang deadline sa kani-kanilang estado.

Ang mga mail-in ballot ay maaring ipadala sa pamamagitan ng postal mail, ballot drop boxes o dalhin ng personal sa mga tanggapan ng local election.

Nauna nang sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairperson Sheriff Abas na dapat magpasa ng isang batas bago mag-Enero 2021 kung gusto ng gobyerno na magkaroon ng “hybrid” election sa 2022. Kung hindi, kukulangin na umano sa panahon para paghandaan ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?