228

Jun 7, 2019 @ 17:42
By ,

Madadang Thurman bubusalan ni Pacman

Nangako si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao na patatahimikin niya ang maingay na bunganga ni undefeated American boxer Keith Thurman sa oras na magkaharap sila ngayong Hulyo 20 sa Las Vegas.

Sa pagpapatuloy ng pagsasanay ni Pacman sa Elorde Gym sa Pasay City, tinawag nitong ‘loudmouth’ si Thurman – na ilang beses sinabing pagreretiruhin niya na si Pacquiao.

“He’s a loudmouth outside the ring. Let’s see if he can back it up inside the ring,” sabi ni Pacman sa balita na inalabas ng BoxingScene.com. “Some boxers are arrogant while other boxers are humble. Thurman? We know he’s arrogant.”

Mas lalo aniyang ginanahan si eight-division world champion Pacquaio na magsanay at magtraining dahil sa pangta-trash talk ni Thurman at hahayaan na lang niya na ang kanyang kamao ang magsalita.

Nagpasya ang kampo ni Pacman na hatiin ang kanyang training camp sa Pilipinas at Los Angeles sa Amerika bilang paghahanda sa laban at sasailalim ito sa long time trainer na si Freddie Roach.

Nakatakdang umalis patungong Amerika si Pacman sa Hunyo 15.

Sa nagdaang press tour ng kanilang laban sa Amerika sinabi Thurman na siya ang magiging huling kalaban ni Pacquiao sa ibabaw ng lona.

“His legacy ends on July 20. He’s had a wonderful career, and been an inspiration. We all love him and respect him. And I’m respectfully going to kick the shit out of him,” patutsada nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?