103
ABANTE mactan airport almost done
Jan 28, 2018 @ 12:04
By

Mactan Cebu International Airport matatapos na

Masayang ibinalita ng Department Of Transportation (DOTr) na 89 porsiyento nang nagagawa ang Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Target ng DOTr, katuwang ang kanilang Public Private Partnership (PPP) sa Megawide GMR na buksan para sa commercial operations ang bagong sa Hunyo ng 2018.

Ang bagong new world-class passenger terminal building sa MCIA ay may kapasidad na 13 milyong pasahero kada taon na kapwa makapaglilingkod para sa kanilang domestic and international operations.

Ang naturang proyekto ayon sa ahensiya ay bahagi ng Build, Build, Build program ng Duterte administration. (Pinggoy Romero/Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?