105

Dec 6, 2019 @ 18:27
By

Mactan-Cebu Airport wagi sa The Netherlands

Pinuri ng Department of Tourism (DOT) ang mga tao sa likod ng Mactan Cebu International Airport Terminal 2.

Ito’y matapos manalo ng top prize ang nabanggit na terminal sa Completed Buildings-Transport category sa ginanap na World Architecture Festival sa Amsterdam, The Netherlands mula Disyembre 4-6.

Sabi ng mga judge, kinilala ang terminal dahil sa pagkakaroon ng “simple and elegant” structure nito.

Ang terminal ay dinisenyo ng Hong Kong-based architectural firm na Integrated Design Associates.

Proyekto ito ng Megawide Corp. at GMR Group ng India.

“With Mactan being the second busiest international airport in the Philippines, this architecturally astounding building serves as an important gateway to the Philippines,” sabi sa statement ng DOT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?