24
macklin
By

Macklin papalag sa balyahan

Sharing is caring!

Balik-PBA si Vernon Macklin, pero hindi na sa dati niyang team na Ginebra.

Reinforcement si 6-foot-10 Macklin ng Magnolia Pambansang Manok sa Commissioner’s Cup na mag-uumpisa sa April 22.

Hinatid ni Macklin, 31, ang Gin Kings hanggang finals ng parehong conference noong 2013, pero minalas na nawalis ng Alaska 3-0.

Sa kanyang second coming, ang hindi niya nagawa sa Ginebra ay hahabulin ng dating miyembro ng Detroit Pistons suot ang jersey ng Hotshots sa ilalim ni coach Chito Victolero.

March 31 dumating sa Manila si Macklin, agad pinanood at sinuportahan kinabukasan ang Hotshots sa Game 3 ng Philippine Cup Finals kontra San Miguel Beer.

“Feels great to be given a second chance to comeback in the PBA,” ani Macklin na produkto ng Georgetown at Florida.

Pagkatapos sa Ginebra, naglaro si Macklin sa China at sa Qatar. Bumalik siya ng Pilipinas para katawanin ang Mighty Sports PH sa 2016 Jones Cup, instrumento nang walisin ng team ang torneo 8-0 tungo sa kampeonato.

Kabisado na ni Macklin ang gagawing ayuda sa Hotshots lalo’t out na sa season si defense specialist Marc Pingris (ACL injury): “I see myself fitting in, get rebounds, run the floor, play defense and give some energy plays.”

Pansin ni Macklin na mas malalaki na ang players ngayon kumpara noong una niyang stint, kay tanggap niyang mas pisikal na ang mga laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?