10

Oct 21, 2021 @ 21:32
By

Macaraeg inalat sa World Cup

Masama ang simula ni Lausanne 3rd Winter Youth Olympic Games 2020 veteran Julian Macaraeg sa dalawang event ng International Skating Union (ISU) World Cup 1 sa China Huwebes.

Nangulelat ang 18-year-old Fil-Am short-track speed skater sa men’s 1,500m Heat 4 preliminaries sa oras na 2:27:362. Top 2 kada heat at 14 fastests lang ang mga aabante sa quarterfinals.

Huli rin siya sa Heat 9 500m prelims sa tiyempong 1:06.351. Top 2 per heat at Top 6 fastest overall ang mga susulong next round.

Haharurot pa si Macaraeg sa men’s 1000m event ngayong Biyernes sa una sa apat na World Cup qualifying series. Kailangan niyang mag-Top 32 sa 500m at 1000m events at top 36 sa 1500m para mag-qualify sa 245h Winter Olympic Games 2022 sa Biejing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?