30

Oct 8, 2021 @ 23:25
By

Macandili positibo pananaw sa balibol

Nangamote si Dawn Nicole Macandili at Choco Mucho sa 21st AVC Asian Women’s Volleyball Club Championship 2021 nitong Oct. 1-7 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Pero nananatiling positibo ang pananaw ng 25-year-old, 5-footer libero para sa hinaharap ng women’s indoor volleyball sa bansa.

Isang appreciation ang ibinahagi ni Macandili para sa PH club team matapos ang four-nation, seven-team weeklong volleyfest noong Huwebes, kahit nagposte ang kampo niya ng 1-3 win-loss record para pumang-anim.

“I know that each and every one of these players played their heart out and is most deserving to be here. I can’t wait for what the future holds for us. Thank you for making this a memorable experience for me plus I can’t wait to play alongside Team Rebisco!” sey ng dalagang balibolista sa Instagram.

Nagpasalamat din ang multi-awarded libero sa kanyang mga fan, Philippine National Volleyball Federation, Rebisco, at iba pa para sa mga suporta.

“And lastly, Thank you Lord. Thank you for your continuous guidance and protection. Thank you for giving us an injury free season! You are the reason why we are here and we are grateful for that.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?