506

Mar 5, 2019 @ 11:21
By

Macalintal sa HNP candidates: Nagtatago sa saya ng Pangulo!

Nagsagawa ng kampanya ang Otso Diretso sa Southville, Barangay Poblacion, Muntinlupa kung saan ay inendorso ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi ang mga kandidato ng Otso Diretso, Martes, Marso 5 ng umaga.

Pinakilala ni Fresnedi si Romulo Macalintal sa mga taga-Muntinlupa bilang isang ‘napakagaling na election lawyer’.

Samantala, binuweltahan naman ni Macalintal ang kalabang partido na Hugpong Ng Pagbabago (HNP).

Sinopla ni Macalintal ang mga kandidato ng administrasyon dahil sa di pagsipot ng mga ito sa hamong debate ng oposisyon.

Sinagot din ni Macalintal ang pang-iinsulto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang partido.

Saad ni Macalintal, ang mga kandidato umano ng administrasyon ay ‘nagtatago sa saya ng Pangulo’.

Buwelta pa ni Macalintal, “Sa aming samahan, walang nabilanggo dahil sa pagnanakaw.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?