99

Dec 29, 2017 @ 20:40

Mac Belo balik sa porma; Elite dinungisan ang Rain or Shine

Balik sa porma si Mac Belo matapos pangunahan ang Blackwater Elite sa pagpapatumba sa kulang sa tao na Rain or Shine, 92-87, ngayong Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Natupad ang hangarin ng Elite na dungisan ang kartada ng E-Painters at magtabla sila sa 1-1.

Nakakonekta ng limang tres si Belo at ang huli ay nagsilbing tarak sa puso ng RoS.

Ito ang unang pananaig ng Elite sa 12 beses nilang paghaharap ng Rain or Shine at unang panalo rin sa Cuneta Astrodome.

Ayon kay Elite coach Leo Isaac, naging susi nila para sa panalo ang kanilang depensa laban sa mapuwersang E-Painters.

Naipasok ni Belo ang importanteng tira para makaungos ang kanyang koponan, 90-85, 1:39 ang nalalabi sa orasan.

Nakatapos na may game-high 25 points, pitong rebounds, dalawang blocks, at isang assist si Belo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?