9

May 28, 2021 @ 14:38
By

Mabisang panghatak! Lacson suportado raffle sa bakuna

Hindi lamang mga Pinoy ang mananalo sa nausong raffle para sa mga magpapabakuna sa ilang local government unit (LGU).

Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, magandang inisyatibo ang raffle sa mga duda sa bakuna para maengganyo ang kanilang mga residente na magpaturok na.

Saad ni Lacson, dapat ay maging malikhain ang gobyerno para mahimok ang bawat Pilipino na magpabakuna.

“We should use all legal – and creative – means possible to have every Filipino vaccinated,” saad ni Lacson.

“A chance at winning in the lottery and other creative incentives to attract more Filipinos to get themselves vaccinated – these are good moves by the government, both national and local, and even the private sector, to attain herd immunity at the soonest possible time,” aniya pa.

Hindi lamang ito makatutulong sa kaligtasan ng mga Pinoy, dahil magandan rin itong senyales para muling bumangon ang ekonomiya sa bansa, ayon kay Lacson.

Sa Las Piñas, inanunsyo ni Rep. Camille Villar na magkakaroon sila ng raffle kung saan dalawang motorsiklo ang consolation prize, habang house and lot naman ang grand prize.

Sa San Luis, Pampanga naman, alagang baka ang ipamimigay sa buwanang raffle para sa mga residenteng magpapabakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?