83

Dec 19, 2017 @ 17:38
By

Mabilis na tulong sa OFWs, ipinangako ng DFA

Asahan na ang mas mabilis at mas malawak na tulong sa mga OFW at sa kanilang pamilya.

Ito ang ipinangako ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa pagpirma ng bagong guidelines ukol sa paggamit ng P1 bilyong pondo.

Ani Cayetano, agad inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mas mataas na pondo para sa biglaang pangangailangan ng mga OFW gayundin para sa mga problema na kanilang kinasasangkutan sa ibang bansa.

“With the signing of the new guidelines on the use of the Assistance to Nationals (ATN) Fund and the Legal Assistance Fund (LAF), the DFA will now be in a position to more effectively respond to the growing number of distressed Filipinos abroad,” ani Cayetano.

Dagdag pa ng kalihim, nais ni Pangulong Duterte na mas masuklian ang ginagawang sakripisyo ng mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa para maitaguyod ang kanilang pamilya.

“The rationale behind the revised guidelines is for us to be able to help as many and as much without sacrificing the quality of our service,” dagdag pa ni Cayetano.

Aniya, napansin niya na padami nang padami ang bilang ng mga ‘distressed OFWs’.

Banggit nito, sa kasalukuyan ay may 14,995 kaso na kinasasangkutan ng mga Filipinos sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?