151

May 3, 2020 @ 15:10
By

Mabilis lumaki! Anak nina Anne, Erwan, 2 buwan na

Two months old na ang baby ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Sa Instagram post ni Anne ay muli nitong pinakita si baby Dahlia Amélie.

Sey ni Anne, mabilis umano ang paglaki ng kanilang anak, kaya’t susulitin ng Kapamilya actress ang pagiging baby nito.

“It’s insane how she’s growing so fast. Cherishing her days of being this tiny,” ayon kay Anne.

Madami namang celebrity friends ang nagpaabot ng pagbati tulad nina Showtime hosts Vhong Navarro at Mariel Padilla, pati na rin sina Liz Uy at Mark Bautista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?