27

Sep 27, 2020 @ 14:38
By

Mabigat ba? LeBron: Kinaya kong buhatin Lakers!

Makalipas ang 10 taon, muling nakapasok sa NBA Finals ang Los Angeles Lakers.

Sa kanilang tagumpay, siguradong isa si LeBron James sa dapat pasalamatan ng mga fans at management ng LA-based squad.

Matapos ang isang taon na pagkalaglag nang hindi makapasok sa playoffs, tinupad ni ‘King James’ ang kanyang pangako na muling maabot ng Lakers ang tugatog ng tagumpay.

“My teammates said ‘bring us home’. And it’s my responsibility to make the right plays,” saad ni LeBron matapos ang kanilang 117-107 win kontra Denver Nuggets sa Game 5 ng Western Conference Finals.

Aniya, batid na niyang kakailanganin niyang magbuhat para makarating sa dulo dahil karamihan sa kanyang mga teammate ay hindi pa nakasasampa sa finals.

“We have a few guys on the team that has never been to the finals before so I took that responsibility as well,” lahad ni LeBron, na tumapos ng 38 points, 16 rebounds at 10 assists para makapasok sa NBA Finals.

“My shoulders are wide enough to carry a lot of load,” aniya pa. “But my mind is stronger.”

Naghihintay na lang ang Lakers sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics para sa best-of-seven showdown para sa Larry O’ Brien trophy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?