370

Feb 13, 2019 @ 19:56
By

Mabait naman siya! Foster parent ng Chinese sa ‘viral taho’ umapela sa publiko

Nanawagan ang foster parent ng estudyanteng Chinese na nanaboy ng taho sa isang pulis sa MRT na bigyan ito ng pagkakataon dahil nagsisi na umano ito.

Ayon kay Oscar Saplaco ng Calasiao, Pangasinan sa report ng Manila Bulletin, masama umano ang pakiramdam ni Jiale Zhang, 23, nang mangyari ang insidente.

“Siya man ay nagulat sa kaniyang ginawa at labis na nagsisi,” sabi ni Saplaco.

Umapela rin ito sa publiko na huwag nang husgahan ang kanyang foster child dahil humingi na umano ito ng kapatawaran.

Gusto rin umano ni Zhang na matapos ang kurso niyang fashion designing sa Pilipinas at mahal umano nito ang mga Filipino.

“She wants to finish her course here in the Philippines as a fashion designer and loves Filipinos as she loves us her foster parents,” ani Saplaco.

Sinabi pa ni Saplaco na mabait umanong bata si Zhang at walang bisyo.

Hindi rin aniya ito mahilig sa night life at madalas lang na nasa loob ng bahay.

Related story: Chinese na nanaboy ng taho, nag-hysterical matapos bitbitin ng BI

“Na-pressure po sa kaniyang pinagdadaanan. Mag isa po siya, ang pamilya niya ay nasa ibang bansa,” paliwanag pa ni Saplaco.

Noong Pebrero 12 nang maghain ang Bureau of Immigration legal division ng deportation case laban kay Zhang matapos makitaan na may probable cause para ito kasuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?