99

Oct 15, 2017 @ 13:38

Mababang korte, kulang sa expertise sa kaso ni De Lima — Sereno

Iginiit ni Supreme Court (SC) Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na kulang sa expertise ang mababang korte upang dinggin, litisin at pagpasyahan ang mga kasong nag-uugnay kay Sen. Leila de Lima sa iligal na droga.

Paliwanag ng Punong Mahistrado, ang Sandiganbayan ang dapat na may eksklusibong kapangyarihan na humawak sa mga kaso ni De Lima dahil isa itong opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng suweldong higit sa Grade 27.

“Hindi niya magagawa ang lahat ng mga akusasyong ibinato laban sa kanya kung hindi siya opisyal ng gobyerno, dito pumapasok ang sinasabi nilang abuse of power nu’ng siya pa ang kalihim ng Department of Justice. Kaya dapat lang na isampa ang mga charges sa anti-graft court at hindi sa lower court,” giit ni Sereno.

Sa botong 9-6, nagpasya ang SC en banc noong Martes na mananatiling nakakulong si De Lima at ang Muntinlupa City Regional Trial Court pa rin ang hahawak sa kanyang mga kaso.

Kabilang sa mga pumabor sa petisyon ni De Lima na palayain siya at ipawalang-bisa ang arrest warrant laban sa kanya ay sina Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Estela Perlas-Bernabe, Francis Jardeleza, Marvic Leonen, at Benjamin Caguioa.

Anila, ang Sandiganbayan bilang anti-graft body ang mayroong “machinery at expertise” na resolbahin ang mga kaso ng senadora.

“The drug courts specified in Republic Act 9165 do not have the necessary machinery, expertise, or competence that the Sandiganbayan has to resolve the accusations against petitioner. Therefore, its structural framework further affirms the conclusion that as between a single-judge trial court and a collegiate Sandiganbayan, the latter retains original and exclusive jurisdiction over high-ranking officials accused of committing drug offenses in relation to their office,” diin pa ni Sereno. (Ma. Isabel Billones)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?