73

Jan 13, 2022 @ 15:03
By

Mababang buwis sa paaralan dapat magresulta mababang matrikula, magandang serbisyo—Salceda

Ang mababang buwis na ipinapataw sa mga pribadong paaralan ay dapat umanong magresulta sa mababang matrikula at magandang serbisyo sa mga estudyante.

Ito ang sinabi ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda bilang reaksyon sa pagpapasalamat sa kanya ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) sa pagsulong ng panukala na nagbababa sa buwis na binabayaran ng mga pribadong eskuwelahan.

“This piece of legislation will have a monumental impact and be felt by many generations of educators and school leaders,” sabi ng COCOPEA sa sulat na kanilang ipinadala kay Salceda.

Inimbitahan din ng COCOPEA si Salceda sa isang thanksgiving tribute sa Enero 20.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga pribadong eskuwelahan ay papatawan ng 10 porsyentong buwis at maaaring makinabang sa special tax rate na 1 porsyento sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law mula Hulyo 2020 hanggang Hunyo 2023.

“I appreciate the recognition of our hard work. Of course, credit also goes to BIR (Bureau of Internal Revenue) and DOF (Department of Finance) for working with us through this process,” dagdag pa ni Salceda.

Sinabi ni Salceda na maganda kung ang pasasalamat ng COCOPEA ay magreresulta sa mababang matrikula at magandang kalidad ng edukasyon.

“With this measure, we hope they can employ more and better-paid teachers, keep tuition fees within reach, and invest in better facilities,” sabi pa ng solon. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?