48

Nov 30, 2017 @ 10:27
By

Maayos na ‘rev-gov’ rally, hiniling ng Palasyo

Nakiusap ang Malacañang sa mga sasali sa rally na humihiling ng revolutionary government na gawing mapayapa at maayos ang kanilang aktibidad ngayong Huwebes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinapayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kilos protesta at iba pang uri ng mass action basta tiyakin lamang na hindi maperwisyo at makompromiso ang kaligtasan ng publiko.

Nagsalita na aniya ang Pangulo na ayaw nito ang revolutionary government subalit hindi nangangahulugang pagbabawalan nito ang publiko na maghayag ng kanilang suporta para sa isang revolutionary government.

“The President has earlier said that he does not want a revolutionary government. This, however, does not mean he would prevent citizens from expressing their support for a revolutionary government.

The Chief Executive in numerous occasions articulated that he allows protests and other forms of mass action as long as public safety and convenience are not compromised,”ang pahayag ni Roque.

Ipaiiral aniya ng Philippine National Police ang maximum tolerance sa mga raliyista.

Dumagsa na ang iba’t ibang pro-Duterte supporters sa paanan ng Mendiola sa Lungsod ng Maynila at mayroon ding kahalintulad na rally sa Davao City. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?