9
views

By

Maasin Airport, mas pinalawak ng DOTr

Sharing is caring!

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagpapasinaya sa passenger terminal building ng Maasin Airport na itinayo para sa maayos na pasilidad at kaluwagan sa pagdagsa ng mga pasahero sa Southern Leyte.

Kasama sina DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Capt. Manuel Antonio Tamayo at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Capt. Jim Sydiongco na nagpasinaya sa bagong paliparan.

Ang bagong passenger terminal building ay kayang tumanggap ng 300 pasahero sa isang araw o nasa 100,000 pasahero sa isang taon dahil sa laki nitong 36-ektarya na mayroong 1.3-km runway.

“Gusto natin inclusive growth, kaya kung mapapansin ninyo, agresibo tayo sa pag-implement ng mga proyekto sa mga probinsya. Gaya nitong bagong terminal ng Maasin Airport na siguradong makakatulong sa economic activity ng Leyte,” ayon kay Tugade.

Ang Maasin Airport ay isa sa mga community airport sa ilalim ng CAAP National Airport System at natatanging paliparan sa Southern Leyte.

Nagamit din itong backup entry point ng mga paparating na relief goods at mga gamot sa nasalanta ng nagdaang bagyong Yolanda. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?