risa-hontiveros
By

Maamong tugon sa militarisasyon ng China, insulto sa mga sundalo – Hontiveros

Sharing is caring!

Mariing kinondena ni opposition Senator Risa Hontiveros ang aniya’y maamong tugon ng Duterte administration sa pagpapasok ng China ng missiles sa West Philippine Sea (WPS) na bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa senadora, malaki itong insulto sa katapangan at sakripisyo ng mga Filipinong sundalo na nagbabantay sa teritoryo ng bansa.

Ipinaalala na matapang na nagpapatrulya ang tropa ng Pilipinas sa WPS kahit kapos sa kagamitan basta’t masiguro ang integridad ng teritoryo ng bansa.

Masaklap aniya na sa kabila ng sakripisyo ng mga sundalo, yumuyukod ang Duterte administration sa mga kagustuhan ng China na umano’y maituturing na pinakamalaking banta sa seguridad ng bansa ngayon.

“Despite the lack of resources and infrastructure, our troops stationed and assigned in the West Philippine Sea have bravely maintained our presence in the region and ensured the integrity of our territory. It is thus a grave insult to our soldiers and a mockery of their sacrifices that the Duterte government has chosen to continue to be subservient to Chinese interests in the face of the country’s biggest security threat,” dagdag ng senadora.

Dahil dito, kinantiyawan ni Hontiveros ang Malacañang at isinumbat ang pangako noon ni Pangulong Duterte na ipaglalaban ang teritoryo ng bansa.

“Where is now the bravado of the so-called strongman? Binantaan at tinutukan na ng missiles ang ating mga sundalo sa West Philippine Sea, pro-China pa rin ang paninindigan ng kanilang Commander-in-Chief? Anong klaseng pamumuno ‘yan? Isa itong malaking insulto sa katapangan at sakripisyo ng ating mga tropa na halos ibuwis ang lahat para lamang ipaglaban ang ating pambansang soberanya,” pahayag nito.

Kinondena rin ni Hontiveros ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman nakatutok sa Pilipinas ang missile system ng China.

“This is a statement that we expect from China’s fifth column not from the spokesperson of the country’s Commander-in-Chief. Is it now the policy of this government to allow superpowers to install missiles in our backyard as long as they are not directed at us?” sabi pa ni Hontiveros.

Tanong pa ni Hontiveros, kung bakit iyon alam ni Roque sabay tanong din kung naabisuhan ang Malacañang ukol sa pagpapasok doon ng missile system ng China.

“And how can they be sure? Were they informed by China about this? Did they have prior knowledge of the installation and existence of the missiles? Were they even there when they were installed? If not the Philippines, where are the missiles directed at? The government has a lot of explaining to do,” sabi ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?