22
Yeng-Guiao
By

Maalat man, Guiao walang masamang tinapay kina Cabagnot, Lassiter

Sharing is caring!

Hindi alintana ni Gilas head coach Yeng Guiao na minalas sa shooting ang San Miguel duo na si Alex Cabagnot at Marcio Lassiter sa pagkatalo nila sa Iran, 73-81, noong Huwebes, Setyembre 13.

Matatandaang inalat ang parehong gunners sa three-point line matapos magtala ng pinagsamang 2-of-14 shooting.

Ngunit hindi sinisisi ng NLEX coach ang dalawa sa kanilang pagkatalo sa Iran.

“Nanibago lang. It’s natural, so I don’t blame them for the loss to Iran,” sabi niya.

Binawi naman nila Cabagnot at Lassiter ang kanilang pagkabigo sa shooting sa pamamagitan ng kanilang depensa at pagiging matikas sa loob ng court.

“I stand by Alex and Marcio. The more I see them play in practices and in games, the more I believe that they belong in the national team,” sabi ni Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?