21

Nov 18, 2021 @ 18:27
By

Maaga Pasko: PNP inilabas na bonus ng mga empleyado

Mahigit P8 bilyong yearend bonus at cash gift ng kanilang mga tauhan ang inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes.

Ayon kay PNP chief Dionardo Carlos, ang naturang halaga ay nagmula sa regular na appropriations programmed nila na kasama sa kanilang 2021 budget.

Nasa 222,418 personnel aniya ng PNP ang tiyak na maaga ang Pasko dahil dito.

Sabi naman ni Finance Service Director Jose Melencio Nartatez Jr., nailagay na ang yearend bonus at cash gift sa payroll account ng kanilang mga empleyado.

Ang year-end bonus ng mga pulis ay katumbas ng isang buwang basic salary habang ang cash gift ay pro-rated na P5,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?