61

By

M/V Lite Ferry 28 sa Cebu nagliyab

Sharing is caring!

Nagliyab ang isang passenger-cargo vessel na M/V Lite Ferry 28 habang patungo na sa pantalan malapit sa Port of Taloot sa Argao, Cebu, nitong umaga.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Capt. Arman Balilo, ang M/V Lite Ferry 28 ay may biyaheng Tagbilaran, Bohol patungong Cebu at namataan itong nasusunog na nasa 200 hanggang 300 metro ang layo bago makarating sa pantalan.

Agad na rumesponde ang disaster response teams at bumbero ng Argao para maapula ang sunog na kung saan nailigtas naman ang lahat ng 97 pasahero at 27 crew ng ferry matapos ang isinagawang rescue operations.

Nakita naman ng municipal disaster office sa Cebu ang pagliyab ng ferry na may makapal at maitim na usok ang kanilang nakita kaya agad na nagsagawa ng rescue.

Dagdag pa nito, nakita rin ang ilang tripulante ng barko na tumalon na sa dagat mula sa nasusunog na barko.

Sa port advisory, wala munang biyahe para sa Tagbilaran mula sa Port of Taloot, Argao dahil sa pagkasunog ng M/V Lite Ferry 28.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng pagkasunog na posibleng sa tanker nagmula ang pagsiklab dahil sa makakapal na usok na dulot nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?