70

Jul 30, 2021 @ 22:26
By

LYKA sinisilip sa pagtakas sa buwis

Iniimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang social media platform na LYKA sa diumano’y hindi pagbabayad ng buwis.

Sa Inquirer report, sinabi ni Internal Revenue Deputy Commissioner Arnel Guballa na nakarehistro man ang LYKA sa kanilang Revenue District Office 39 sa Quezon City ay hindi ito nagbabayad ng buwis.

Kaya naman inutos niya ang pagsisiyasat.

Kamakailan pinahinto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang operasyon ng LYKA, na maaaring gamitin bilang pambili ng iba’t ibang produkto o serbisyo.

Ayon sa BSP, hindi rehistrado ang LYKA bilang Operator of Payment at kailangan munang magparehistro sa kanila sa ilalim ng National Payment Systems Act.

Ilang celebrities at social media influencer ang naiulat na nakakabili kabilang na ang mamahaling sasakyan gamit ang mga LYKA GEM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?