54

Jul 20, 2022 @ 18:13
By

Lydia de Vega nakikibaka sa kanser, kritikal ang lagay

Humihingi ng dasal ang pamilya ng legendary track and field athlete na si Lydia de Vega dahil sa pakikibaka nito sa Stage 4 Breast Cancer.

Ang anak ni de Vega na dating volleyball player na si Stephanie Mercado-de Koenigswarter ang nagbahagi sa social media ng kalagayan ng dating track and field athlete.

“My dearest mother, Lydia de Vega, is in very critical condition due to complications caused by her Stage 4 Breast Cancer condition. She was diagnosed with this in 2018 and has been silently fighting the disease for the past 4 years,” saad ni Mercado sa Instagram.

“As the disease is progressing, her condition is quickly worsening despite undergoing many procedures including brain surgery,” dagdag pa niya.

Bukod sa dasal, humiling rin si Mercado ng pinansyal na tulong para sa pagpapagamot ni de Vega.

“l am requesting everyone to please pray for her in this desperate time of need. If anyone would like to assist financially to cover her medical expenses, any donation would be deeply and wholeheartedly appreciated. Maraming salamat po!” aniya.

Ang 57-anyos na si de Vega ay tinaguriang Asia’s fastest woman noong dekada 80. Noong kanyang kalakasan, nagwagi siya ng dalawang ginto sa Asian Games at siyam na ginto sa Southeast Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?