25

Sep 30, 2017 @ 13:10

Lyceum muntik sa Baste

Umalog at muntik ma-scratch ang win No. 15 ng Lyceum nang sabayan sa dikdikang laban ng San Sebastian sa FilOil Flying V Center sa San Juan kahapon.

Sa dulo, nakaalpas ang Pirates para itakbo ang 78-73 win at panatiliin ang walang bahid na kartada sa 15. Tatlong panalo pa, wawalisin ng mga taga-Intramuros ang double-round eliminations at didiretso sa Finals na thrice-to-beat.

Tumikada si CJ Perez ng double-double na 28 points at 10 rebounds kasama ang four steals para pamunuan ang Lyceum.
Umiskor ng walong sunod na puntos si Allyn Bulanadi at bigla ay naninidak na ang Stags 74-73, 1:43 na lang sa laro.

Rumesponde ng dalawang free throws si Mike Nzeusseu makalipas ang 20 seconds para ilayo nang bahagy ang Pirates.
May tsansa sanang itabla ang iskor, pero mintis si RK Ilagan at nakapuntos pa ang Lyceum mula sa fastbreak layup ni Jacee Marcelino. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?