96

Oct 10, 2017 @ 12:13

Lyceum-Batangas pangatlo ng Olivarez

Humaba ang winning streak ng Olivarez College sa tatlo matapos kaldagin ang Lyceum-Batangas 91-87 sa Universities and Colleges Basketball League Season 2 sa Olivarez College gym sa Sucat, Parañaque.

Tumikada si Richmond Sunga ng 17 points, pero si Joshua Almajeda ang naging bida sa huli para sa Sea Lions na angat sa 5-3 sa simula ng second round eliminations.

Dalawang defensive stops sa crunch ang kinana ni Almajeda at nasilat ng Sea Lion ang Pirates.

Pero hindi pa rin nasiyahan si Olivarez College coach Mike Saguiguit sa inilaro ng mga bataan.

“A win is a win but I’m not satisfied with their performance,” aniya patungkol sa 19-point lead ng Olivarez na nagawang habulin ng Pirates.

Si Rommel Saliente ang namuno sa rally ng Lyceum, naagaw ang bandera 82-80 sa jumper ni Jay Villaluna 3 minutes sa orasan.

Pero hindi nasindak sina Sunga, Vin Begaso at Dwight Saguiguit, sumagot ng puntos bago ang panelyong basket ni Almajeda sa final 20 seconds.

Semplang ang Lyceum-Batangas sa 2-6. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?