17
lvp
By

LVPI election, dinedma

Sharing is caring!

Napurnada ang itinakdang eleksyon kahapon ng Larong Volleyball ng Pilipinas (LVPI).

Ito ay matapos na tatlo lamang sa mga kasalukuyang opisyales ang dumating sa dapat sanang unang opisyal na botohan ng asosasyon na namamahala sa larong volleyball sa bansa.

Tanging dumating sa ipinatawag na eleksiyon sina LVPI Chief Finance Officer Ramon “Choy” Cojuangco, Managing Director Benjamin “Chippy” Espiritu Cojuangco at Secretary General Ricky Palou.

Wala ding dumating na dapat na official observer ng Philippine Olympic Committee (POC) sa dapat sanang demokratikong proseso na botohan para sa pinag-aagawang asosasyon ng indoor at beach volleyball sa bansa na isasagawa sana sa opisina mismo ng Philippine Olympic Committee (POC) sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Wala naman sa bansa ang kasalukuyang pangulo ng LVPI na si Jose “Joey” Romasanta habang hindi din dumalo ang kasalukuyang tumatayong acting-president ng asosasyon na si Peter Cayco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?