117

Jul 28, 2018 @ 11:40
By

Luzon, Visayas uulanin ngayong Sabado – PAGASA

Makakaranas ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan ang Luzon at Visayas ngayong araw.

Batay sa 4 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 100 kilometro ng silangan timog-silangan ng Casiguran, Aurora.

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms naman ang Mimaropa, Bicol, at Western Visayas Regions dahil sa hanging habagat na palalakasin ng LPA.

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na may tsansa ng ulan o thunderstorms na dala naman ng localized thunderstorms.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?