256

Feb 24, 2019 @ 17:04
By

Luzon makararanas ng isang linggong power interruption

Makararanas ng isang linggong power interruption ang ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal province at Quezon province ngayong linggo, mula Pebrero 25 hanggang sa Marso 3.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), karamihan sa mga dahilan ng power interruptions ay pagpalit ng mga poste, line reconductoring works at pag-upgrade ng mga pasilidad, installation ng mga pasilidad, reconductoring ng primary lines at paglipat ng mga pasilidad na apektado ng Skyway construction partikular na sa Pandacan, Manila.

Batay sa report ng Meralco, simula 11:00 Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng 4:00 ng madaling araw ay mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Caloocan City partikular na sa Barangay bahagi ng Crispulo St. sa Barangay Tala.

Pagpalit ng mga poste, line reconductoring works at pag-upgrade ng mga pasilidad sa loob ng Miramonte Heights Subd. at Amparo Subd. sa Barangay Tala ang dahilan ng pagka-antala ng kuryente.

Sa pagitan naman ng 10:00 ng umaga at 3:00 ng hapon sa Huwebes ay mawawala ng kuryente sa bahagi ng Barangay Camarin at Tala dahil sa pagpapatayo ng mga pasilidad sa Camarin at Tala.

Bandang 10:00 Huwebes ng umaga at 3:00 ng hapon sa Las Piñas City ay mawawalan ng kuryente sa bahagi ng Samson St. mula Tabon Road hanggang malapit sa Meralco- Zapote substation sa Barangay Elias Aldana dahil sa reconductoring ng primary lines.

Sa Makati City, particular na sa Barangay Pio Del Pilar ay mawawalan ng kuryente sa Martes hanggang Miyerkules sa pagitan ng 11:00 ng gabi at 5:00 ng madaling araw dahil sa line reconductoring works sa Estacion St.

Sa Pandacan at Sta. Ana, Manila ay sa pagitan ng 11:00 Martes ng gabi at sa pagitan ng 5:30 Miyerkules ng madaling araw naman sa bahagi ng Sta. Ana.

sa bahagi ng Pedro Gil St. mula Dr. M. L. Carreon St. hanggang at kasama ang Posadas Ext. sa Punta at sa Pandacan dahil sa paglipat ng mga pasilidad na apektado ng Skyway construction sa T. Claudio Blvd. sa Paco – Sta. Mesa Road sa Pandacan, Manila.

Bandang 10:00 Huwebes ng umaga at 3:00 ng hapon ay mawawalan din kuryente sa Marikina City partikular na Barangay Barangka, Marikina City.

Sa pagitan naman ng 9:00 Martes ng umaga at 2:00 ng hapon ay mawawalan ng suplay ng kuryente sa Muntinlupa City, particular na sa bahagi ng Calatagan St. at sa The Great Parish Church sa Ayala – Alabang Village dahil sa line reconductoring works.

Sa Miyerkules hanggang Huwebes din sa Barangay San Antonio at Barangay Ugong sa Pasig City particular na sa bahagi ng San Miguel Ave. at Medical Plaza – Ortigas sa Ortigas Commercial Center, Barangay San Antonio.

Sa bahagi ng Meralco Ave. mula Exchange Road at sa Barangay Ugong at Pasig City Pumping Station (Manila Water) sa Doña Julia Vargas Ave. ay mawawalan sa pagitan ng 11:00 ng gabi hanggang 6:00 Huwebes ng umaga.

Sa bahagi ng Exchange Road mula San Miguel Ave. hanggang Meralco Ave. kasama ang Avantgarde Residences at The Exchange Regency sa Jade Drive sa Ortigas Commercial Center, sa Barangay San Antonio ay apektado din dahil sa pagpalit ng primary lines sa Exchange Road sa Ortigas Commercial Center.

Sa pagitan ng 9:00 ng umaga at 2:00 ng hapon simula sa C-5 Road dahil sa line reconductoring works sa Jose C. Cruz sa Barangay Ugong, Pasig City.

Sa Quezon City, simula 11:00 Huwebes ng gabi at pagitan ng 3:30 Biyernes ng madaling araw sa bahagi ng Sct. Tobias St. sa Barangay Laging Handa. Dahil sa line reconductoring works at sa Barangay Talipapa ay apektado rin ng pagpalit ng mga poste, reconstruction at pag-install ng mga pasilidad.

Pagpapalit naman ng pasilidad ang gagawin sa Taguig City bandang 9:00 Biyeres ng umaga sa Barangay Sta. Ana, sa Martes at Miyerkules sa Barangay Signal Village at sa Bonifacio Global City bandang 11:29 Martes ng gabi dahil sa installation ng mga pasilidad sa 34th St. sa BGC.

Mawawalan din ng kuryente sa Balagtas at Guiguinto, Bulacan sa Sabado dahil sa pag-install ng mga pasilidad at line reconductoring works sa Barangay Borol 2nd, Balagtas, Bulacan, pag-install ng primary line sa Sitio Mulawin Matanda, Barangay Tarcan, Baliuag, Bulacan at reconductoring ng primary lines at pag-install ng karagdagang lightning protection devices sa Barangay Tabe, Guiguinto, Bulacan.

Sa Martes hanggang Miyerkules ay pagpalit at pag-install ng mga pasilidad sa Northville 8 Resettlement Site Subd., Barangay Bangkal, Malolos City, Bulacan at line reconductoring works at pag-install ng karagdagang lightning protection devices sa Barangay San Roque, Pandi, Bulacan.

Samantala sa Bacoor City naman ay apektado din sa pagpalit ng poste at line reconductoring works sa Meadowood Ave. sa City proper, Bacoor City, Cavite, pagpalit ng poste at line reconductoring works sa Naic, Cavite at Tanza, Cavite.

Sa Martes naman mawawalan ng kuryente sa Laguna, particular na sa Liliw, Nagcarlan, Rizal, Magdalena at Majayjay.

Maging sa Sta. Rosa City ay apektado ring line reconstruction works sa Manila South Road sa Barangay Balibago at Dila, Sta. Rosa City, Laguna.

Habang sa Pagbilao, Quezon Province ay mawawalan rin sa Linggo ng 7:00 ng umaga dahil sa maintenance works sa loob ng Meralco – Pagbilao – Tuklas substation at pagpalit ng poste naman sa Tayabas, Quezon sa Miyerkules simula 9:00 ng umaga.

Line reconductoring works sa Sitio Kasoy II, Barangay Mambugan, Antipolo City, Rizal Province sa Miyerkules at sa Sabado ay sa Barangay San Luis, Antipolo City naman.

Sa Martes naman ay sa Pililla, Rizal magaganao ang line reconductoring works sa Sitio Camale, Barangay Quisao, Pililla, Rizal Province.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?