By

Luxury cars, overweight na bakal kinumpiska ng BOC

Sharing is caring!

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang P24.2 milyon na haulage ng segunda manong mamahaling sasakyan at mga overweight na steel products sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapena, galing ang mga kargamento mula sa Australia, United Arab Emirates at China.

Partikular na nasamsam ng BOC ang segunda manong 2012 Lamborghini Gallardo na naka-consign sa isang Allan Garcia na may address sa Apalit, Pampanga.

Nasamsam din ang 2006 Lamborghini Murcielago na naka-consign naman sa isang Veronica Angeles na may address sa San Rafael, Bulacan, gayundin ang isang 2005 Ferrari F430 na nakapangalan naman sa isang Mary Joy Aguanta na may address sa Villa Trinita, Cagayan de Oro.

Ang mga luxury car na iprinoseso ng customs broker na si Christian Lao at Roy Lasdoce ay dumating sa bansa noong 2016 at May 2017 mula sa United Arab Emirates.

Dahil dito, overstaying na sa container yard ang mga kargamento, dahilan para magpalabas na ang BOC ng warrant for seizure and detention.

“MICP district collector lawyer Ruby Alameda issued a warrant for seizure and detention on the cargoes because of overstaying in the container yard of ICTSI,” saad ni Lapena.

Samantala, kinumpiska rin ng BOC ang misdeclared na kargamento na naka-consign sa isang Dorotea Sadang.

Idineklara ang shipment bilang personal effect at household goods pero lumabas sa x-ray machine na may discrepancy o hindi pagkakatugma ang kargamento kaysa sa idineklara nito.

Lumitaw kasi sa x-ray image na bukod sa personal effects, kasama rin sa kargamento ang isang sasakyan.

Dalawang shipment naman na naka-consign sa Hongtaisheng Steel Incorporated ang kinumpiska rin ng BOC dahil hindi tumugma ang idineklara nitong bigat ng kargamento.

Paliwanag ni Lapena, kinailangan na kumpiskahin ng gobyerno ang mga kargamento dahil sa paglabag sa Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act, at para naman sa mga luxury cars, bukod sa overstaying na ay wala ring Authority to Release Imported Goods.

“These shipments will undergo forfeiture proceedings to know their liability to the government,” pagtatapos ni Lapena. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?