71

By

Luto? Mga netizen kinuwestiyon ang resulta ng UAAP Streetdance

Sa katatapos na UAAP Season 81 Streetdance competition, tila hindi tanggap ng ilang netizen ang bawat koponan na nakakuha ng medalya sa seniors division.

Para sa nasabing division, wagi ang La Salle Dance Company na muling nasungkit ang korona sa FEU Dance Company Street Alliance na tumapos naman bilang 1st runner-up.

Ang National University Underdawgz naman ang nakasungkit ng huling spot sa podium finish, na para sa ilang netizen ay kwestiyonable.

Sa Twitterverse, nagkalat ang mga comment na dapat umano ay sa University of the Philippines (UP) Street Dance Company maging iba pang eskuwelahan ang nakasungkit ng medalya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?