124

By

Lusot! Imelda Marcos puwede pang tumakbo

Sharing is caring!

Hindi pa pipigilan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtakbo ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Sa kabila ito ng pagka-convict ng dating first lady sa pitong count ng graft, dahil ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi pa pinal ang hatol kay Marcos kaya’t maari pa rin itong tumakbo.

This isn’t a final conviction yet, so it isn’t disqualifying,” saad ni Jimenez nang maitanong kung madi-disqualify si Marcos dahil sa naging hatol ng Sandiganbayan 5th Division sa kaso ng congresswoman.

Naghain ng kandidatura sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte si Marcos para sa 2019 midterm elections.

Posible naman itong makulong ng anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon sa bawat count ng graft kaugnay ng kasong paglipat ng nasa $200 million sa pitong Swiss foundation noong siya ay miyembro ng Batasang Pambansa at Minister of Human Settlements.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?