17

May 2, 2021 @ 13:05

Lupit dumakdak! Clarkson ‘binastos’ sina Watanabe, Gillespie

Paniguradong pasok sa top highlights ang one-handed dunk ni Jordan Clarkson nitong Linggo

Sa first quarter ng bakbakang Utah Jazz-Toronto Raptors, hinarap ng Fil-Am ang depensa ng kapwa Asian na si Yuta Watanabe.

Biglang nagpakawala ng spin move si Clarkson dahilan para mapagpag si Watanabe, ngunit nakabantay pa rin si Raptors center Freddie Gillespie sa rim.

Hindi nagpadaig ang leading NBA Sixth Man of the Year candidate at sinalpak ang one-handed slam sa harap ni Gillespie.


Wagi ang Utah kontra Raptors, 106,102, kung saan balik sila sa tuktok ng NBA standings sa 46-18 record.

Tumapos si Clarkson hawak ang 15 points, 3 rebounds at 3 assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?