8

Feb 28, 2021 @ 15:31

Lung Center of the Philippines ready nang humawak ng COVID-19 vaccine – spox

Handa na ang mga empleyado ng Lung Center of the Philippines (LCP) para sa COVID-19 vaccination na gaganapin Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, pangugunahan nina Health Secretary Francisco Duque III at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr. ang aktibidad bukas.

Ani Dr. Norberto Francisco, spokesperson ng LCP, dalawang linggo nang handa ang kanilang ospital para sa vaccination.

“Maraming practice na, marami na,” wika niya.

Kasabay nito, babakunahan na rin bukas ng Sinovac vaccine si Duque at ang 20 staff ng nasabing ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?