20

Jul 1, 2020 @ 13:19
By

Luneta Park, bukas para sa mga mag-eehersisyo

Bukas na para sa mga nais mag-ehersisyo ang Luneta Park, unang araw ng Hulyo, ayon sa anunsyo ng National Park Development Committee.

Ayon sa kanilang post, bukas ito hanggang alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at tanging ang Promenade area lamang ang bukas para sa mag-jogging walking, cycling at tai chi.



Magpapatupad rin umano ang mga ito ng guidelines katulad ng pagsusuot ng face mask, thermal check, physical distancing at iba pa.

Samantala, magtatagpuan naman ang entrance at exit points sa Rizal Park Visitor’s Center at Senior Citizen’s Garden sa T.M. Kalaw street.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?