75

Jul 2, 2020 @ 17:16
By

Luneta binuksan na

Bukas na ang Rizal o Luneta Park pero limitado lang ang oras nito, ayon kay National Parks Development Committee Deputy Executive Director Jezriel Apillar.

Ang bahagi lang ng Roxas Boulevard hanggang Maria Orosa Street ang binuksan at maaari lang ang pag-eehersisyo at ilang aktibidad gaya ng cycling, jogging at paglalakad kasama ang mga alagang hayop, ayon kay Apillar sa ulat ng ABS-CBN.

Ipinagbabawal pa ang pagpi-picnic at pagtambay sa parke.

Naglagay ng waiting area sa lugar dahil limitado lang sa 1,000 katao kada araw ang puwedeng pumasok sa parke.

Kabilang sa health protocol na ipatutupad sa Luneta para sa mga bisita ang pagsususot ng face mask, paghuhugas ng kamay sa wash station at temperature check.

Bawal pumasok sa parke ang mga senior citizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?