21
views

By

Lunar eclipse masasaksihan sa PH sa Hulyo 28

Sharing is caring!

Makikita umano sa kalangitan ang isang total lunar eclipse sa Sabado, Hulyo 28.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magaganap ang eclipse mula ala-1:13 ng madaling-araw hanggang alas-7:30 ng umaga.

Sa Maynila umano, aangat ang buwan ng alas-6:05 ng gabi ng Hulyo 27 at lulubog naman ng alas-5:44 ng madaling-araw ng Hulyo 28.

Ligtas umanong panoorin ang lunar eclipse at hindi na nangangailangan pa ng anumang proteksiyon sa mga mata. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?