2,376

By

‘Lumobo’ sa kulungan! Vice Ganda sinopla sa De Lima joke

Sharing is caring!

Umani ng batikos mula sa online community ang segment ng ‘It’s Showtime’ noong Lunes Oktubre 22 na ‘Magpasikat 2018’ kung saan ay si Vice Ganda ang host.

Inulan ng puna sa social media ang bahagi ng programa na Miss Q and A kung saan ay gumanap ang ilang ‘It’s Showtime’ host bilang mga kandidata ng naturang segment.

Pinalarawan ni Vice Ganda kay Jhong Hilario, na siyang gumanap bilang Alakdawn Zulueta, ang mga kasama partikular na si Juggy Sta. Maria na ginanapan ni Jugs Jugueta.

Inilarawan ni Jhong si Juggy Sta. Maria na mukha raw tiwali.

Samantala sa iba pang bahagi ng naturang segment ay sinabi ni Vice Ganda, “Ang taray ni No.1 o, bloated si Leila de Lima o. Mukhang nahiyang si Leila sa loob. May message ka ba kay Trillanes?” na agad namang sinagot ni Jugs “Hoy! Hinahantay ka namin dito.”

Ang naturang palitan ng biro ng mga ito ay agad na umani ng sari-saring negatibong puna mula sa mga netizens na agad nagpahayag ng kanilang mga reaksyon sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?