83

Jul 7, 2018 @ 14:07
By

Lumikha kina Spider-Man, Doctor Strange pumanaw na

Sumakabilang-buhay na sa edad na 90 ang lalaking nakatuwang ni Stan Lee sa paghubog sa dalawang legendary Marvel superheroes na sina Spider-Man at Doctor Strange.

Namatay umano sa kanyang bahay sa New York si Steve Ditko, ayon sa report ng TMZ.

Natagpuang walang malay si Ditko sa NYC apartment nito noong Hunyo 29 ng bumisita sa kanya na isang social worker.

Namatay umano si Ditko sa atake sa puso dahil sa pagbabara ng kanyang arteries dahil sa arteriosclerotic at hypertensive cardiovascular disease.

Si Ditko ay isa sa mga sikat na comic book artists.

Nakilala siya sa paglikha kay Spider-Man noong 1962 at kay Doctor Strange ng sumunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?